Ang Focus ay isang produkto ng isang pandaigdigang organisasyong pang-media na pinopondohan ng publiko mula sa budget ng Pamahalaan ng United States. Binubuo ang Focus ng isang team ng mga editor na nakabase sa United States at ng dose-dosenang freelance na mamamahayag at mga content creator mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang misyon ng Focus ay imbestigahan at palakasin ang malalaki at mahahalagang kwento na kadalasang hindi napapansin ng mga lokal at rehiyonal na media.
Pagtatwa sa Links
Ang mga link mula sa Focus patungo sa mga website na nasa labas ng pamahalaan ng US o ang paggamit ng pangalan ng mga negosyo, kumpanya, o korporasyon sa loob ng site ay para sa kaginhawahan ng gumagamit. Ang ganitong paggamit ay hindi nangangahulugang opisyal na pagsang-ayon o pag-apruba ng pamahalaan ng US sa anumang pribadong website, produkto, o serbisyo. Wala ring kontrol ang pamahalaan ng US sa nilalaman ng impormasyon na maaari mong makita sa mga lokasyong ito. Ang mga link na ito ay ibinibigay alinsunod sa layunin ng site. Lahat ng link papunta sa Focus ay malugod na tinatanggap.
Impormasyon sa Copyright
Maliban kung may nakasaad na karapatang-sipi (copyright), ang impormasyon sa site ay nasa pampublikong domain at maaaring kopyahin at ipamahagi nang walang pahintulot. Pinahahalagahan ang pagbanggit sa orihinal na pinagmulan ng impormasyon. Kung may nakasaad na karapatang-sipi sa isang litrato, grapiko, o iba pang materyal, kailangang kumuha ng pahintulot mula sa orihinal na pinagmulan bago kopyahin ang mga ito.
Pagtatwa sa Pananagutan
Ginagawa ang lahat ng pagsisikap upang maibigay ang tama at kumpletong impormasyon sa Focus. Gayunpaman, dahil sa dami ng mga dokumentong magagamit, na madalas ay ina-upload sa loob ng maikling takdang oras, hindi namin maipapangako ang katumpakan ng impormasyong ibinibigay.
Tungkol sa mga dokumento at impormasyon sa website na ito, walang anumang garantiya ang pamahalaan ng US o ang mga empleyado o kontratista nito, hayag man o ipinahiwatig, kasama na ang mga garantiyang tumutugon sa pamantayan ng kalidad at pagiging angkop para sa isang partikular na layunin kaugnay ng mga dokumentong makukuha mula sa Focus.
Ang pamahalaan ng US at iba pang legal na entidad na nakatulong sa anumang paraan sa paghahanda, pagsusulat, o pagpapalaganap ng datos ng Focus ay mariing itinatatwa ang anumang pananagutan na maaaring magmula sa anumang hindi tama, maling paggamit o mapanlinlang na paggamit ng datos na ibinigay sa mga bisita ng site. Bukod pa rito, walang sinumang kontratista, o ang pamahalaan ng US ang pananagutin para sa anumang pinansyal o iba pang kahihinatnan, na maaaring magmula sa ganoong hindi tama, maling paggamit, o mapanlinlang na paggamit ng materyal sa website na ito. Ang pagkonsulta o paggamit ng datos ng Focus ay awtomatikong nangangahulugang buong pagtanggap sa nabanggit na pagtatwa sa pananagutan.
Pahayag sa Pagkapribado at Seguridad
Gumagamit ang pamahalaan ng US ng mga software program upang lumikha ng mga buod na estadistika para suriin kung aling impormasyon ang pinaka-interesante o pinaka-hindi interesante, o upang tukuyin ang system performance o mga bahaging may problema. Ang sumusunod ay ang uri ng impormasyon na kinokolekta sa iyong pagbisita sa Focus: ang pangalan ng Internet domain kung saan mo ina-access ang Focus at ang petsa at oras ng iyong pag-access sa site. Kung pipiliin mong magbigay sa Focus ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng email, gagamitin lamang ito upang tumugon sa iyong email.
Para sa seguridad ng site at upang matiyak na mananatiling magagamit ang serbisyong ito para sa lahat ng gumagamit, ang pamahalaan ng US ay gumagamit ng mga software program upang tukuyin ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang mag-upload o magbago ng impormasyon o makapagdulot ng pinsala. Ang mga impormasyong nakakalap mula sa pagsubaybay na ito ay maaaring gamitin para sa mga awtorisadong pagsisiyasat sa pagpapatupad ng batas. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang mag-upload o magbago ng impormasyon sa serbisyong ito at maaaring maparusahan alinsunod sa Computer Fraud and Abuse Act ng 1986 at Title 18 U.S.C. Sec. 1001 at 1030. Maliban sa mga layuning nabanggit, walang iba pang pagtatangka upang tukuyin ang mga indibidwal na gumagamit o kung paano nila ginagamit ang site.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Kung may anumang mga katanungan o komento kayo tungkol sa impormasyong ipinakita rito, mangyaring mag-email sa mga tagapamahala ng impormasyon sa Web sa Contact Us.