Polisiya ng Focus sa Komento

Ang pagbibigay ng mga komento ay nakatutulong sa amin na mapabuti ang website at magsilbing pook-talakayan (forum) para sa mga nagbabasa. Gumawa kami ng patakaran sa mga komento na inaasahan naming susundin ninyo. Ang pagsusumite ninyo ng komento ay nagpapahiwatig ng pagtanggap at pagsang-ayon sa patakarang ito.Hinihikayat namin ang talakayan sa malawak na uri ng mga paksa; pakitandaan na ang nai-post na mga komento ay kumakatawan sa mga opinyon at pananaw ng mga taong nagsumite nito. Hindi palaging sinasang-ayunan o kinukumpirma ng Focus ang mga ideya, pananaw, o opinyong ipinahayag sa mga komentong ito, ngunit iniaalok namin ang pook-talakayan bilang paraan upang pag-usapan ang mga paksang mahalaga sa inyo, ang aming mga mambabasa.

1. Ito ay isang talakayang may tagapamagitan (moderated forum). Babantayan ng Focus ang mga komento at may karapatan itong alisin, i-edit o baguhin ang nilalamang itinuturing nitong hindi angkop.

2. Ang pagsusumite ng mga komento para i-post sa Focus ay nangangahulugan ng pagtanggap at pagsang-ayon sa mga tuntuning nakasaad sa polisiyang ito tungkol sa mga komento.

3. Lahat ng komunikasyon at mensaheng matatanggap ng Focus ay itinuturing na para sa pagpo-post maliban na lamang kung malinaw na nakasaad sa unang mensahe ng sumulat na hindi ito ipo-post.

4. Ang mga komento ay para sa mga mambabasa ng website na ito. Ang mga komento sa mga artikulo at tampok ng Focus ay naglalayong maghikayat ng palitan ng kuru-kuro at bukas na talakayan tungkol sa mga napapanahong paksa sa maayos at bukas na paraan upang makita ng lahat ng mambabasa.

5. May karapatan ang Focus na i-edit ang lahat ng komento ayon sa nilalaman. Dapat may kaugnayan sa paksa ang mga komento sa mga artikulo at tampok ng Focus.

6. Ang mga komentong mapang-abuso, nakakasakit, o naglalaman ng pagmumura o rasistang nilalaman ay hindi ipo-post. Ang mapanglait na pagtawag ng pangalan (name-calling), personal na pag-atake, rasistang komento, panawagan sa karahasan, pagbabanta, o paggamit ng pagmumura ng sinumang nagkomento ay hindi ipo-post.

7. Ang mga pagpo-promote ng mga produkto para sa mga kumpanya o negosyo, o mga gawaing may kaugnayan sa pagpo-promote ay hindi ipo-post.

8. Hindi obligasyon ng Focus na bantayan, i-edit, i-censor, o panagutan ang mga komento. Maaari itong umaksyon o hindi umaksyon sa mga paglabag sa polisiya sa komento. Dapat tiyakin ng mga nagkokomento na naaayon sa batas at sumusunod sa mga nakasaad na alituntunin ang kanilang mga komento.

9. Tatanggalin namin ang mga personal na email address sa mga komento bago ito i-post.

Mga Komento FAQ

Ang mga komento sa Focus ay may layuning manghikayat ng palitan ng kuru-kuro at bukas na talakayan.

Bakit ninyo mino-moderate ang mga komento ng mga mambabasa?

Ang aming layunin ay magbigay ng makahulugang komento para sa pangkalahatang mambabasa. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga isinusumite, nakakalikha kami ng espasyo kung saan maaaring magpalitan ang mga mambabasa ng matatalino at may kaalamang komento na nagpapahusay sa kalidad ng aming balita at impormasyon.

Bagaman karamihan sa mga komento ay ipo-post kung may kaugnayan sa paksa at hindi mapang-abuso, ang mga desisyon sa pagmo-moderate ay nakabatay sa opinyon at pananaw. Gagawin namin ang mga ito nang maingat at sa paraang pare-pareho, hangga’t maaari.

Anong uri ng mga komento ang inyong hinahanap?

Pinahahalagahan namin ang maingat at makabuluhang komento na nagpapahayag ng iba’t ibang pananaw nang mabilis at may paggalang. Pinuprotektahan namin ang talakayan mula sa paulit-ulit na komento mula sa pareho o ibang mambabasa. Sinusunod namin ang parehong pamantayang ipinakikita rin sa mga artikulo sa Focus.

Ilang bagay na hindi namin papayagan: personal na pag-atake (sa mga mambabasa o manunulat), kabastusan, kagaspangan, pagmumura (kasama ang mga mura at mga letra na sinusundan ng gitling), pagpo-promote ng mga produkto, pagpapanggap, hindi malinaw na pahayag, at PAGSISIGAW. Bukod dito, susuriin din namin ang mga link na ibinigay sa mga komento upang makita kung ang mga naka-link na website ay sumusunod sa parehong pamantayan ng Focus at magmo-moderate kami kung kinakailangan.

Ine-edit ninyo ba ang mga komento?

Karaniwan, hindi. Ngunit, may karapatan ang Focus na i-edit ang lahat ng komento ayon sa nilalaman, kalinawan, kaugnayan sa paksa, at haba nito.

Paano naman ang mga kritisismo sa Focus?

Tinatanggap namin ang matatapang na opinyon at kritisismo sa aming trabaho, ngunit ayaw naming masalanta ng talakayan tungkol sa aming mga polisiya ang Mga Komento, kaya ito ay imo-moderate namin nang naaayon.

Mayroon pa ba?

Ang pagsusumite ng mga komento para i-post sa Focus ay nangangahulugang pagtanggap at pagsang-ayon sa mga tuntuning nakasaad sa polisiyang ito tungkol sa mga komento. Ang polisiyang ito ay maaaring baguhin nang buo o bahagya anumang oras nang walang abiso.