Krimen at Hustisya

Pilipinas, US, Vietnam, at Indonesia, nagsagawa ng pagsasanay sa pagpapatupad ng batas sa karagatan

Madalas magkaroon ng sagupaan o tensyonadong paghaharap sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea (West Philippine Sea).

Isang miyembro ng Philippine Coast Guard ang nagbigay-pugay habang dumaraan ang isang barko ng Vietnamese Coast Guard matapos ang isang pinagsamang pagsasanay pandagat malapit sa Bataan sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea noong Agosto 9. [Ted Aljibe/AFP]
Isang miyembro ng Philippine Coast Guard ang nagbigay-pugay habang dumaraan ang isang barko ng Vietnamese Coast Guard matapos ang isang pinagsamang pagsasanay pandagat malapit sa Bataan sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea noong Agosto 9. [Ted Aljibe/AFP]

Ayon sa AFP |

Ayon sa US Embassy sa Maynila noon Enero 27, sa isang pinagsamang pagsasanay sa pagpapatupad ng batas pandagat, nagsanay ang mga opisyal ng coast guard at pangisdaan mula sa Pilipinas, US, Vietnam, at Indonesia sa pag-sampa sa mga sasakyang pandagat at mga pamamaraan ng pag-aresto.

Ang dalawang-linggong kurso sa katimugang isla ng Mindanao sa Pilipinas, ay bahagi ng isang pang-rehiyong pagsisikap na palakasin ang pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas, kasabay ng lumalaking pangamba sa isang posibleng hidwaan sa dagat laban sa Tsina.

Madalas magkaroon ng sagupaan o tensyonadong paghaharap ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at Tsina sa mahalagang daanang ito ng tubig, pati na rin ang mga kamakailang insidente na kinasangkutan ng mga barko ng Vietnam at Indonesia.

"Muli nating pinagtitibay nang sama-sama ang ating pangako na tiyakin na ang ating soberanya sa karagatan ay mananatiling isang sona ng kapayapaan, kaligtasan, at kasaganahan para sa lahat," ayon kay Philippine Coast Guard District Commander Rejard V. Marfe sa isang pahayag na inilabas ng embahada ng US.

'Napakahalagang' pagsasanay

Tinawag ni Marfe ang pagsasanay noong Enero 13-24 na "napakahalaga sa pagtitiyak na mas maging handa tayo sa mga panganib sa dagat," bagamat wala siyang binanggit tungkol sa Tsina.

Ayon sa pahayag, tinalakay sa pagsasanay ang ligtas na pagsampa sa mga sasakyang pandagat, ang batas pandagat, pangangalap at pangangalaga ng mga ebidensya, kaligtasan at pag-iwas sa mga panganib, at mga pamamaraan sa pag-aresto.

Sumali ang Australian Border Force bilang tagamasid sa pagsasanay kasama ang mga coast guard, mga tagapagpatupad ng batas sa adwana, at mga opisyal sa pagbabantay sa pangisdaan.

Pinalakas ng Tsina ang pagpapalawak ng kanilang hukbong-dagat nitong mga nakaraang taon bilang bahagi ng kanilang layuning palawakin ang kanilang impluwensiya sa Karagatang Pasipiko at hamunin ang isang alyansang pinangungunahan ng US.

Sa mga nakaraang buwan, nagpadala ang Tsina ng mga barko ng hukbong-dagat at coast guard upang hadlangan ang Pilipinas sa pagpasok sa mahahalagang bahura at pulo sa South China Sea.

Noong Oktubre, inakusahan ng Hanoi ang Beijing ng isang "malupit" na pag-atake kung saan sinabi nilang binugbog ng mga pwersa ng Tsina ang 10 mangingisdang Vietnamese gamit ang mga rehas na bakal at ninakawan ang mga ito ng mga isda at kagamitan na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar.

At sa buwan ding iyon, sinabi ng Indonesia na tatlong beses sa loob ng isang linggo na pinaalis nila ang isang barko ng coast guard ng Tsina mula sa mga pinagtatalunang katubigan sa South China Sea.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *