Seguridad

Pilipinas - Ipinaglalaban ang karapatan sa South China Sea gamit ang isang komiks sa gitna ng tensyong namamagitan sa kanila ng Beijing

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Pilipinas na 'ang komiks na ito ay nagpapatibay ng aming layunin na labanan ang anumang pagtatangka na gawing malabo ang isang bagay na malinaw at totoo –- na kami ang may-ari ng West Philippine Sea.'

Ang komiks ay tungkol sa alitan ng China at Pilipinas sa South China Sea. Ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ay gumawa ng isang modelong bersyon nito nang inilunsad ito sa National Library sa Maynila noong Enero 24. [Ted Aljibe/AFP]
Ang komiks ay tungkol sa alitan ng China at Pilipinas sa South China Sea. Ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ay gumawa ng isang modelong bersyon nito nang inilunsad ito sa National Library sa Maynila noong Enero 24. [Ted Aljibe/AFP]

Ayon sa AFP |

Naglunsad ang gobyerno ng Pilipinas ng isang komiks upang igiit ang pag-aangkin nito sa pinagtatalunang South China Sea sa gitna ng tumitinding tensyon sa Beijing tungkol sa mahalagang daanang-tubig na ito.

Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na layunin ng "The Stories of Teacher Jun" na labanan ang mga umano'y maling impormasyon ng China at higit na linawin sa mga Pilipino ang kanilang soberanyong karapatan sa teritoryo.

Iginigiit ng China na pag-aari nito ang halos buong South China Sea kahit hinatulan na ng isang pandaigdigang hukuman na ang pag-aangking ito ay walang basehan. Paulit-ulit na ring sinagupa ng coast guard nito ang coast guard ng Pilipinas, kaya may pangambang mauwi ito sa armadong labanan.

Pananakop ng China

"Ang komiks na ito ay nagpapatibay ng aming layunin na labanan ang anumang pagtatangka na gawing malabo ang isang bagay na malinaw at totoo – na kami ang tunay na may-ari ng West Philippine Sea," sabi ni Año na tinutukoy ang mga katubigan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, nang inilunsad ang komiks sa Maynila noong Enero 24.

Inaasahan ng Maynila na maipamahagi ang komiks, na may mga bersyon sa English at Tagalog, sa buong bansa "para muling gisingin ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan lalo na sa ating pagharap sa pananakop ng China," sabi ni Philippine Coast Guard spokesperson Jay Tarriela sa nasabing kaganapan.

Sinabi rin ni Tariela na ang komiks ay tungkol sa kwento ng isang estudyante na ang ama ay isang mangingisda na nahihirapang pumalaot dahil sa pangambang dulot ng mga Chinese coast guards.

Ang estudyante ay dumadalo sa mga klase ni Teacher Jun, isang karakter na kahawig sa dating Pangulong Ferdinand Marcos – na ang itinuturo ay internasyonal na batas gamit ang paghahambing sa mga bakod at likod- bahay.

Mga pribadong donor ang nagpondo ng paglalathala nito, sabi ni Tarriela.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *