Seguridad

Babala ng pinuno ng intelihensiya: mga dayuhang espiya, tinututukan ng ang nuclear submarine program ng Australia

Abala ang mga Foreign Intelligence agencies sa pagtatangkang pahinain ang kasunduan ng Australian-US-UK tungkol sa mga submarino. Maaaring rin silang magsabotahe kung lumala ang tensiyon sa rehiyon, ayon sa mga opisyal.

Dumaong ang USS Annapolis, isang nuclear-powered submarine sa tabi ng Diamantina Pier sa Fleet Base West, Rockingham, Australia, noong Marso 10. [US Navy]
Dumaong ang USS Annapolis, isang nuclear-powered submarine sa tabi ng Diamantina Pier sa Fleet Base West, Rockingham, Australia, noong Marso 10. [US Navy]

Ayon sa Focus at AFP |

Tinututukan ng mga dayuhang espiya ang programang nuclear-powered submarine ng Australia at nagbabalak silang saktan o patayin ang mga dissidente na naninirahan sa bansa, ayon sa babala ng pinuno ng intelihensiya.

Sa kabuuan, ang seguridad ng Australia ay unti-unting "nanghihina," ayon kay Mike Burgess, director-general ng Australian Security Intelligence Organization (ASIO), noong Pebrero 19 sa isang malawak na talumpati na naglantad ng ilang lihim na pagsusuri ng kanyang ahensya tungkol sa pambansang banta.

Noong 2021, inihayag ng Australia ang plano nitong bumili ng hindi bababa sa tatlong nuclear-powered submarines na dinisenyo ng U.S. bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang depensa dahil sa malaking pagtaas ng puwersang militar ng China at Russia.

Plano ng Australia na ipakalat ang mga lihim na submarine sa ilalim ng isang kasunduan kasama ang United States at Britain—na kilala bilang AUKUS.

Ikinagalit ng Beijing ang desisyon ng Australia na bumili ng mga submarino, at tinawag ang bagong alyansa bilang isang "napakairesponsableng" banta sa seguridad ng rehiyon. Tinanggihan naman ni dating Prime Minister Scott Morrison ang kritisismo, aniya, may sarili ring "malawakang programa ng paggawa ng nuclear submarines" ang China.

Ang mga Virginia-class submarines na isinusuplay sa Australia ay walang atomic weapons at sa halip ay inaasahang magkakarga ng long-range cruise missiles. Ito ay isang malaking pagpapalakas sa kakayahan ng bansa sa bukas na karagatan.

Ayon kay Burgess, ang submarine program ay isang mapanuksong target, maging para sa mga kaalyadong bansa.

Sinabi ni Burgess sa kanyang talumpati sa Canberra na nais ng mga dayuhang intelligence services na maunawaan ang mga kakayahan ng mga hinaharap na AUKUS submarines, kung paano ito ide-deploy, at pahihinain ang tiwala ng mga kaalyado sa Australia.

Pagsapit ng 2030, mas malamang na ituon nila ang pansin sa panghihimasok upang pahinain ang suporta para sa AUKUS at maaaring magsagawa ng "pananabotahe" kung lumala ang tensyon sa rehiyon, ayon kay Burgess. Dagdag pa niya, ang mga personnel ng Australian defense ay "walang tigil" na tinatarget.

"Kamakailan, may ilang binigyan ng regalo ng kanilang mga international counterparts. Ang mga regalong ito ay may nakatagong surveillance devices," ayon kay Burgess.

Tinatarget ang mga Kritiko

Dagdag ni Burgess, hindi ligtas ang Australia sa mga banasang kaaway tulad ng Iran na nagsasagawa ng mga "gawaing may banta sa seguridad" sa loob ng teritoryo nito.

"Natukoy ng mga imbestigasyon ng ASIO na may tatlo o higit pang bansa ang nagbabalak na saktan ang mga taong naninirahan sa Australia," ayon kay Burgess. Sa ilang pagkakataon, labis kaming nabahala para sa buhay ng target"

Sa isang kasong napigil ng ASIO, balak ng isang dayuhang espiya na patahimikin ang aktibistang nakabase sa Australia sa karapatang pantao sa pamamagitan ng pag-akit sa kanya palabas ng bansa at pagkukunwaring aksidente para seryosong saktan o patayin, sabi niya.

Noong nakaraang taon, ibang grupo ng dayuhang espiya ang nagtangkang "saktan at posibleng patayin" ang isa o higit pang tao sa Australia bilang bahagi ng mas malawak na plano upang patahimikin ang mga kritiko, ayon kay Burgess.

Napigilan din ng ASIO ang pagtatangkang ito

Sa magkaparehong kaso, nasa ibang bansa ang mga utak ng plano, ngunit batid nila "kung paano namin haharapin ang kanilang mga agent," aniya.

Ayon kay Burgess, ilang bansa ang "patuloy" na nagtatangkang puwersahin ang mga mamamayan at residente ng Australia na magsuplong ng impormasyon tungkol sa kanilang kalahi at kaparehong kultura.

Hindi bababa sa apat na bansa ang nagtangkang pilitin ang mga indibidwal na bumalik sa kanilang bansang sinilangan, kabilang ang isang kaso na kinumpiska ang kanilang ari-arian at tinakot ang pamilya, mga kaibigan, at dating mga kaklase ng biktima.

Mga Balak ng China

Sa mga nakalipas na taon, ilang kaso ng paniniktik ng China ang nabunyag.

Halimbawa, noong Abril 2023, inihayag ng mga Australian prosecutor na dalawang hinihinalang espiya mula sa China ang nagbayad sa isang negosyante sa Sydney para sa impormasyon tungkol sa mga estratehiyang pangdepensa ng Australia, kabilang ang kasunduan sa United States at Britain upang bumuo ng isang nuclear-powered submarine fleet sa ilalim ng AUKUS (Australia-United Kingdom-United States) partnership.

Ang Australianong suspek na si Alexander Csergo ay naghihintay pa rin ng paglilitis.

Bukod dito, napigilan ng ASIO ang isang plano na pinamunuan ng Beijing upang pondohan ang mga kandidato ng New South Wales Labor sa 2022 federal election, ayon sa ulat ng Reuters noong panahong iyon.

Sa isang insidente sa karagatan noong Nobyembre 2023, isang barkong pandigma ng China ang nakasakit sa isang grupo ng mga maninisid ng Australian military gamit ang malakas na sonar malapit sa baybayin ng Japan.

Napigilang malalaking planong terorismo

Bukod sa pagbubunyag ng mga internasyonal na lihim na pakana laban sa Australia, nagbigay ng babala si Burgess na ang terorismo ay nananatiling isang tunay na banta, ngunit ang mga responsable dito ay mas malamang na kumikilos nang mag-isa at kadalasan ay nasa kanilang mga kabataan.

Sinabi ni Burgess na matibay ang depensa ng bansa laban sa terorismo at, kasama ng mga awtoridad, napigilan ng kanyang ahensya ang "dose-dosenang masasamang planong terorismo," kabilang ang lima noong nakaraang taon.

Sa lahat ng potensyal na masasamang planong terorismo na siniyasat noong nakaraang taon, mas mababa sa kalahati ang may motibong panrelihiyon, habang karamihan ay may halong ideolohiyang nasyonalista o rasista.

"Halos lahat ng kaso ay kinasasangkutan ng mga menor de edad. Lahat ay nag-iisang gumagawa o bahagi ng maliliit na grupo. Halos lahat ng indibidwal ay hindi kilala ng ASIO o ng pulisya," ayon sa pinuno ng intelihensya.

Sa ngayon, ang mga menor de edad na iniimbestigahan ng ASIO ay karaniwang nasa edad 15. Ayon kay Burgess, 85% sa kanila ay lalaki, at karamihan ay ipinanganak sa Australia.

Sa hinaharap, isang bagong henerasyon ang posibleng maging target para mahikayat sa matinding paniniwala gamit ang internet, ayon sa kanya.

"Kung magpapatuloy ang kasalukuyang direksyon ng teknolohiya, mas magiging madaling maghanap ng ekstremistang materyal, at ang mga algorithm na pinapagana AI [artificial intelligence] ay mas magpapadali na maabot nito ang mga madaling maimpluwensiyang kabataan."

Sinabi ni Burgess na itinaas noong nakaraang taon ang antas ng banta ng terorismo sa Australia sa "probable" o malamang.

"Hindi ko inaasahang bababa ito sa nalalapit na hinaharap."

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *