Lipunan

Vietnam, inalis ang mga sikat na manikang pambata dahil sa mapa ng South China Sea.

Ang tumitinding internasyonal na tensyon kaugnay ng South China Sea ay may hindi inaasahang naapektuhan sa Vietnam: ang mga sikat na manikang pambata na inalis sa mga tindahan dahil sa isang marka sa mukha na diumano'y kahawig ng inaangkin ng Beijing sa kontrobersyal na pinagtatalunang ruta sa dagat.

Ang larawang ito na kuha sa Hanoi noong Marso 18, ay nagpapakita ng isang Baby Three na manika na may marka sa pisngi na sinasabing kahawig ng tinatawag na nine-dash line ng China sa pinagtatalunang South China Sea. [Nhac Nguyen/AFP]
Ang larawang ito na kuha sa Hanoi noong Marso 18, ay nagpapakita ng isang Baby Three na manika na may marka sa pisngi na sinasabing kahawig ng tinatawag na nine-dash line ng China sa pinagtatalunang South China Sea. [Nhac Nguyen/AFP]

Ayon sa AFP at Focus |

Maliit at malambot, may malalaking mata at taingang parang sa kuneho, ang mga manikang gawa sa China na "Baby Three" ay naging patok sa mga bata sa Vietnam at ng Generation Z noong unang bahagi ng taon, at mabilis na naubos sa mga tindahan sa buong bansa.

Hanggang magsimula ang matinding batikos online laban sa modelo ng manikang "Town rabbit V2" -- dahil sa marka sa pisngi nito na sinasabing kahawig ng tinatawag na "nine-dash line"ng China.

Matagal nang ginagamit ng Beijing ang linyang ito upang bigyang-katwiran ang pag-aangkin nito sa malaking bahagi ng South China Sea, na sagana sa likas na yaman, na madalas ikainis ng Vietnam na umaangkin sa ilang bahagi ng ruta sa dagat.

Matatagpuan sa lugar na ito ang mahahalagang deposito ng langis at gas pati na rin ng mga ruta ng kalakalan. Ipinahayag ng ilang karatig-bansa ng China ang kanilang pangamba na maaaring sinusubukan ng Beijing na palawakin ang saklaw nito.

Ang larawang ito na kuha sa Hanoi noong Marso 18, ay nagpapakita kay Li, na tumangging ibigay ang kanyang buong pangalan, na hawak ang isang Baby Three na manika na may marka sa pisngi nito na sinasabing kahawig ng tinatawag na nine-dash line ng China sa pinagtatalunang South China Sea. [Nhac Nguyen / AFP]
Ang larawang ito na kuha sa Hanoi noong Marso 18, ay nagpapakita kay Li, na tumangging ibigay ang kanyang buong pangalan, na hawak ang isang Baby Three na manika na may marka sa pisngi nito na sinasabing kahawig ng tinatawag na nine-dash line ng China sa pinagtatalunang South China Sea. [Nhac Nguyen / AFP]
Ang 'nine-dash line,' na minarkahan ng pula sa mapa, ay binubuo ng serye ng mga guhit sa mga mapa na ginagamit ng China upang angkinin ang teritoryo sa South China Sea. Sinasaklaw nito ang ekslusibong economic zone ng mga karatig-bansa at nagiging sanhi ng mga sigalot. [Laurence Chu at John Saeki/AFP]
Ang 'nine-dash line,' na minarkahan ng pula sa mapa, ay binubuo ng serye ng mga guhit sa mga mapa na ginagamit ng China upang angkinin ang teritoryo sa South China Sea. Sinasaklaw nito ang ekslusibong economic zone ng mga karatig-bansa at nagiging sanhi ng mga sigalot. [Laurence Chu at John Saeki/AFP]

Bilang tugon sa online na protesta, iniutos ng Industry and Trade Ministry ng Vietnam ang pagsusuri sa mga laruan na sinasabing nagpapakita ng nine-dash line, na binalaan nitong "nakakaapekto sa pambansang seguridad at soberanya ng teritoryo."

Ayon sa website ng Market Development Management Department ng ministry, natuklasan na hindi lamang sa mga pisikal na tindahan mabibili ang laruang may kontrobersyal na marka kundi pati na rin sa mga pangunahing e-commerce platform gaya ng Shopee, TikTok Shop, at Facebook.

Sinabi ng mga nagtitinda sa Hanoi sa AFP na karamihan sa mga kontrobersyal na manika ay inalis na sa mga estante. Gayunpaman, bumagsak ang kanilang dating maunlad na negosyo, dahil sa matinding pagbagsak ng benta sa lahat ng modelo nito.

Ayon kay Le, na tumangging ibigay ang kanyang buong pangalan, dati siyang nakakapagbenta ng 100 Baby Three na manika sa isang araw sa halagang hanggang $20 bawat isa. Ngunit ngayon, halos wala nang bumibili, at kakaunti na lamang ang nabebenta sa mas mababang presyo.

"Halos lahat ng bata ay nagsimulang i-boycott ang [mga manika] dahil itinuturing nila itong isyu ng nasyonalismo, iniisip na ang pagbili ng Baby Three ay hindi makabayan," aniya.

"Nag-invest ako ng napakaraming pera rito... parang nasayang lang," dagdag niya.

Ayon sa datos na binanggit ng state media mula sa YouNet ECI, isang e-commerce data analysis platform, bumagsak ng kalahati ang karaniwang presyo ng Baby Three sa Shopee at TikTok Shop sa unang 10 linggo ng 2025.

Ayon kay Vu Tu, 19, sa panayam ng AFP, ang mga laruan ay "cute at kaakit-akit", pero nawalan siya ng gana dahil sa "nine-dash line scandal".

"Sa aking opinyon, ang mga laruan na may nine-dash line ay nakakaapekto sa soberanya ng Vietnam, at hindi ko sinusuportahan ang mga ito," ang sabi niya.

Una si 'Barbie', ngayon ito naman

Ang kontrobersiya ay nakaapekto sa website ng Chagee, isang Chinese milk tea brand na nakatakdang magbukas ng unang tindahan nito sa Vietnam.

Iniimbestigahan ng pulisya sa sentrong pangkalakalan na Ho Chi Minh City ang Chagee patungkol sa mapa sa website nito na nagpapakita ng nine-dash line.

Sinabi ng Department of Culture and Sports ng lungsod noong gabi ng Marso 20 na, kasama ang pulisya ng lungsod, sila ay "nakikipag-ugnayan sa Chagee Vietnam upang linawin ang usapin."

Sa opisyal na pahayag, hiniling ng mga awtoridad sa mga "indibidwal at organisasyon na gumamit ng mga opisyal na mapa [upang maiwasan] ang maling impormasyon tungkol sa soberanya ng mga pambansang isla."

Nakatakda sanang magbukas ang Chagee ng malaking sangay sa gitnang bahagi ng Ho Chi Minh City, ngunit iniulat ng state media na tinanggal ng mga manggagawa ang lahat ng logo at karatula noong Marso 17 nang sumiklab ang kontrobersiya.

Matagal nang sensitibo ang mga awtoridad sa Vietnam pagdating sa usapin ng nine-dash line.

Noong 2023, ipinagbawal sa mga sinehan ang pelikulang "Barbie," isang fantasy comedy na idinirek ni Greta Gerwig at pinagbidahan nina Margot Robbie at Ryan Gosling, dahil sa mga eksenang nagtatampok ng nine-dash line.

Noong 2018, tinanggal ng Vietnam ang isang eksena mula sa romantic comedy na "Crazy Rich Asians" kung saan makikita ang isang designer bag na may mapa ng mundo na nagpapakita sa pinagtatalunang mga isla sa South China Sea na nasa ilalim ng kontrol ng Beijing.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *