Lipunan

Nagbabala sa lumalaking agresyon ng Tsina ang drama ng Taiwan na ‘Zero Day’

Nangangahas na isipin ang hindi sukat akalain ang isang nakakaantig na bagong seryeng Zero Day -- at gisingin ang isang bansa sa nagbabadya nitong katotohanan.

Dumalo sa taunang Han Guang anti-landing drill sa Bali beach, New Taipei City noong Hulyo 27, 2023 ang mga armadong sasakyan at mga sundalong militar ng Taiwan. [Sam Yeh/AFP]
Dumalo sa taunang Han Guang anti-landing drill sa Bali beach, New Taipei City noong Hulyo 27, 2023 ang mga armadong sasakyan at mga sundalong militar ng Taiwan. [Sam Yeh/AFP]

Ayon sa AFP |

Nagdulot ng taranta sa islang pinamumunuan ang sarili ang pagharang ng militar ng Tsina sa Taiwan habang nagsasara ang mga bangko, nagsisilikas ang mga pamilya, kumakalat ang pekeng balita, at naghahanda ang mga tropa ng Taiwan sa pag-atake.

Batayan ng bagong serye ng Taiwan sa telebisyon na tinatawag na "Zero Day" ang kaguluhang on-screen, na inaasahan ng mga lumikha na "gigising" sa mga tao sa totoong buhay na banta ng pagsalakay ng Tsina sa Taiwan.

Matagal nang nangako ang Beijing na sasakupin ang Taiwan, gamit ang puwersa kung kinakailangan.

Ngunit sa halip na isadula ang mga cross-strait tension, umiwas sa paksa ang industriya ng pelikula at telebisyon ng Taiwan dahil sa takot na mawalan ng access sa pinakamalaking merkado ng wikang Tsino sa mundo.

Nagsabi si Lo Ging-zim, isa sa 10 direktor na kasangkot sa "Zero Day," na ang digmaan sa Ukraine, ang muling pag-angat ng mabait sa Tsina na Kuomintang party sa Taiwan at ang lumalaking pagsusumikap ng Tsina na impluwensyahan ang isla ay nangangahulugan na hindi na ito maaaring balewalain pa.

"Pinag-uusapan ng media sa buong mundo na maaring ang Kipot ng Taiwan ang susunod na larangan ng digmaan," sinabi ni Lo sa AFP, na inalala ang 2022 nang lumitaw ang ideya para sa "Zero Day."

"Nagsimula ito mula sa isang grupo ng mga tao na lahat ay nag-aalala at nababalisa tungkol sa parehong bagay, na nagpasya na magtipon at kumilos."

Nagtatampok ng 10 nakapag-iisang episode at inaasahang ipapalabas ngayong taon ang "Zero Day," na tumutukoy sa unang araw na dumaong ang mga sundalong Tsino sa Taiwan.

Nagpapakita ang trailer ng kaguluhang pumutok sa buong Taiwan habang pinalibutan ng mga puwersang Tsino ang isla sa pagkukunwaring hinahanap ang mga tripulante ng isang eroplanong militar na nawala sa karatig-dagat.

Binaha ng disinformation ng Tsina ang internet ng Taiwan, pinapahinto ang paggana ng mga cash machine, pinapabagsak ang mga stock market, at hinahangad na makatakas ng mga pamilyang bitbit ang mga maleta.

Sa isang eksena ng palabas, humarap ang paalis na Pangulo ng Taiwan sa bansa sa gitna ng isang krisis: "Kapag nahaharap sa isang walang kapantay na pagsubok ang Taiwan, ang magkaisa... ang tanging pagpipilian," sabi niya, habang nagbabala na "kung walang kalayaan, walang Taiwan."

Biglaang pinutol ng media ng estado ng Tsina ang kanyang talumpati, kung saan humihimok ang isang nakangiting anchor sa publiko na "itigil ang pagtutol" at isumbong ang "mga nakatagong maka-kalayaan na aktibista sa Taiwan."

‘Nagbabadyang banta ng digmaan’

Nagbabala ang mga tunay na buhay na analyst na maaaring mauna ang pagharang ng Tsina ng Taiwan bago ang isang pagsalakay, at nagsanay sa mga drill ang militar ng Tsina na i-cutoff ang isla.

Dehado ang Taiwan sa anumang sagupaan sa Tsina at kakailanganin ang Estados Unidos at iba pang mga bansa na depensahan ito.

Nagsabi ang "Zero Day" producer na si Cheng Hsin-mei, na sumulat ng isa sa mga yugto ng serye, na gusto niyang "gisingin ang mga Taiwanese sa nagbabadyang banta ng digmaan".

Umaasa rin siya na maipapaalam sa pandaigdigang komunidad na hindi bahagi ng Tsina ang Taiwan.

"Dapat nating ipaalam sa mundo na hindi kami pareho ng sistemang pampulitika -- isa tayong malaya at demokratikong lugar at naghahalal tayo ng sarili nating pangulo," sabi ni Cheng.

"Kaya kapag naglunsad ng isang independiyenteng pagkilos ng pagsalakay ang rehimen, hindi ito isang digmaang sibil, isa itong pananakop."

Kinabibilangan ng mga aktor mula Hong Kong, Japan, at Taiwan ang cast ng "Zero Day".

Sinabi ni Cheng na tumangging lumahok ang 70 porsiyento ng mga nilapitan para sa serye, nangangambang sila’y maharangan sa mga produksyong umaasang makakapasok sa Tsina.

Gumaganap bilang isang negosyanteng nahihirapan sa pananalapi na hindi sinasadyang makakatanggap ng tulong mula sa katuwang ng Tsina ang actor ng Taiwan na si Kaiser Chuang.

Naniniwala si Chuang na nagdulot na sa kanya ng pagkawala ng isang papel ang kanyang paglahok sa "Zero Day," ngunit mariin niyang iginiit na "kailangan gawin" ang serye.

"Hindi dumarating sa pamamagitan ng takot at pagpapasakop ang isang buhay ng kapayapaan, seguridad, at kalayaan," sabi ni Chuang, na inilalarawan ang "Zero Day" bilang isang "wake-up call".

"Nagmumula lamang ito sa patuloy na pagbabantay, pagpapalakas ng ating sarili, pagkakakilanlan sa ating bansa at lupain, at pagkakaisa ng mga taong naninirahan dito."

‘Hindi pampulitikang propaganda’

Upang gawing mas makatotohanan ang "Zero Day," kumonsulta ang mga lumikha sa mga eksperto sa militar at pulitika at kinunan ng mga mahahalagang eksena sa site, kabilang ang isang sasakyang pandagat ng Taiwan at ang Tanggapan ng Pangulo sa Taipei.

Pinuna ng mambabatas na si Lin Chien-chi mula sa mabait sa Beijing na pangunahing oposisyon na Kuomintang party ang serye sa paglikha ng isang “kapaligiran ng gulat" at pagpapalabo ng "katotohanan at kathang-isip nang labis".

"Hindi maiiwasang humahantong sa haka-haka na kung nauugnay sa pampulitikang agenda ng naghaharing partido ang pananaw sa paggawa ng pelikula at pag-iisip sa likod ng seryeng ito," sinabi ni Lin sa AFP, na tinutukoy ang Democratic Progressive Party.

Bagama't nakatanggap ang produksiyon ng $230 milyon TWD ($7.6 milyon) na pondo mula sa gobyerno at pribadong sektor, iginiit ng direktor na si Lo na hindi ito propaganda.

"Hindi kami gumagawa ng pampulitikang propaganda na pelikula, ni hindi rin ito isang uri ng pang-impormasyon o pang-edukasyon na pagtatanggol sibil na video -- wala sa mga iyon," sabi ni Lo.

"Isa itong drama. Dapat nitong maakit ang mga manonood sa pamamagitan ng kalikasan ng tao, emosyon ng tao, at kahinaan ng tao."

Nagsabi ang producer na si Cheng na nagkaroon ng malakas na pandaigdigang interes sa serye at nakikipag-usap ngayon ang koponan sa ilang plataporma sa pag-stream online at mga network ng telebisyon sa buong mundo.

"Isa rin itong paraan para patunayan na kahit walang access sa merkado ng Tsina, kaya pa ring makapasok sa ibang rehiyon ang drama ng Taiwan," sabi niya.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *