Kakayahan

Pilipinas, US nagsagawa ng pagsasanay habang nananatili ang presensya ng Tsina sa W. Philippine Sea

Nagpakawala ng mga flare ang pwersa ng Tsina sa isang pinag-aagawang bahura habang lumilipad ang eroplano ng Pilipinas sa ibabaw nito.

Isang US P-8A Poseidon ang nagsasagawa ng pagmamanman sa dagat habang ang BRP Jose Rizal (likuran) at USS Rafael Peralta (unahan) ay magkasabay na nag-operate sa magkasanib na mga pagsasanay noong Disyembre 9. [US Indo-Pacific Command]
Isang US P-8A Poseidon ang nagsasagawa ng pagmamanman sa dagat habang ang BRP Jose Rizal (likuran) at USS Rafael Peralta (unahan) ay magkasabay na nag-operate sa magkasanib na mga pagsasanay noong Disyembre 9. [US Indo-Pacific Command]

Ayon kay Liz Lagniton |

Ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, nanatili ang malawak na presensya ng Tsina sa West Philippine Sea noong unang bahagi ng Disyembre habang nagsasagawa ng magkasanib na pagsasanay ang hukbong-dagat ng Pilipinas at US. Iniulat din ng mga opisyal na nagpakawala ng mga flare ang pwersa ng Tsina sa isang hiwalay at regular na pagpapatrolya ng eroplano ng Pilipinas ilang araw bago ang insidenteng ito.

Ang West Philippine Sea ay ang tawag ng Maynila sa bahagi ng South China Sea na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Magkasanib na pagsasanay kasama ang US

Ayon sa pahayag ng militar ng Pilipinas, ang magkasanib ng pagsasanay noong Disyembre 9–10, ang ikasiyam na Maritime Cooperative Activity ng magkaalyado, ay "nagbigay ng pagkakataon sa dalawang pwersa na mapalakas ang interoperability, palalimin ang operasyonal na kooperasyon, at patatagin ang magkasanib na kakayahan sa gitna ng nga nagbabagong hamon sa seguridad."

Sa huling pagsasanay, ipinadala ng Pilipinas ang BRP Jose Rizal, tatlong FA-50 fighter jet, tatlong A-29B Super Tucano aircraft, isang Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force, at isang Sokol helicopter. Ayon sa militar, ipinakita ng mga asset na ito ang lumalawak na kahandaan sa operasyon ng bansa at ang tumitibay na kakayahan nitong makipag-ugnayan sa mga pwersa ng kaalyado sa kumplikadong mga sitwasyong pandagat.

Makikita ang mga banyagang barko malapit sa Kalayaan Island Group sa Palawan, Pilipinas, sa litratong ito noong Disyembre 6. [PCG]
Makikita ang mga banyagang barko malapit sa Kalayaan Island Group sa Palawan, Pilipinas, sa litratong ito noong Disyembre 6. [PCG]
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpakawala ng tatlong flare ang pwersa ng Tsina mula sa Subi Reef patungo sa eroplano ng Pilipinas sa isang regular na pagpapatrolya noong Disyembre 6. Ipinapakita ng pulang bilog ang isa sa mga flare. [PCG]
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpakawala ng tatlong flare ang pwersa ng Tsina mula sa Subi Reef patungo sa eroplano ng Pilipinas sa isang regular na pagpapatrolya noong Disyembre 6. Ipinapakita ng pulang bilog ang isa sa mga flare. [PCG]

Nagpadala ang US Indo-Pacific Command ng guided-missile destroyer na USS Rafael Peralta, kasama ang mga MH-60R Seahawk helicopter at isang P-8A Poseidon maritime patrol aircraft. Ayon sa US Navy, kabilang sa aktibidad ang helicopter cross-deck operations, maneuver exercises, pagsusuri sa komunikasyon, at pagbabahagi ng kaalaman sa maritime domain.

Pagsubaybay sa mga barko ng Tsina

Habang isinasagawa ang magkasanib na pagsasanay, patuloy na sinusubaybayan ng mga awtoridad ng Pilipinas ang mga barko ng Tsina sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea. Sinabi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa lugar, nakita ng kanilang pwersa ang hindi bababa sa 20 barko mula sa People's Liberation Army Navy (PLAN) at Coast Guard ng Tsina noong unang linggo ng Disyembre.

Ayon kay Trinidad, isang flight kamakailan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa maritime domain awareness ang nakapagtala ng presensya ng 101 barko ng maritime militia ng Tsina.

Inilarawan niya ang mga barko na "may dobleng tungkulin," na paminsan-minsan ay nag-o-operate bilang mga bangkang pangisda at minsan naman bilang force multiplier para sa militar ng Tsina. Ayon sa kanya, karaniwang nakikita sa lugar ang 300 hanggang 350 barko sa anumang oras.

Ang Scarborough Shoal, na matatagpuan 124 nautical miles mula sa Zambales at nasa loob ng EEZ ng Pilipinas, ay nanatiling isa sa mga pinakamahigpit na binabantayang lugar. Mula noong Nobyembre, naobserbahan ng Philippine Navy ang pagsisiksikan ng mga barko ng hukbong-dagat at Coast Guard ng Tsina sa shoal, isa sa pinakamalaking pagtitipun-tipon ng mga barko ng Tsina sa lugar.

Ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, pinalakas ng Tsina ang mga pagpapatrolya sa paligid ng shoal matapos nitong ideklarang mag-isa ang lugar bilang isang "nature reserve," isang hakbang na ipinrotesta ng Maynila.

Iniulat ng ABS-CBN News na isang eroplano ng Pilipinas na lumilipad sa ibabaw ng shoal noong Disyembre 11 ang nakapansin ng 2 buoy na inilagay ng Tsina noong Nobyembre.

Nagpakawala ng mga flare ang Tsina

Bukod sa mga pagpapakita sa dagat, iniulat ng mga awtoridad ng Pilipinas ang direktang hamon sa regular na mga aerial patrol. Noong Disyembre 6, isang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na kasamang ipinadala ng PCG ang nakakuha ng video ng tatlong flare na pinakawalan mula sa Subi Reef habang lumilipad ito ayon sa schedule sa Kalayaan Island Group.

Ginawang military ng Tsina ang bahura, ngunit inaangkin ito ng Pilipinas.

Ayon kay Cdre. Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, legal ang pagpapatrolya at layuning subaybayan ang kondisyon ng pangingisda, presensya ng mga banyagang barko, at ang kapaligiran ng karagatan. Inilarawan niya ang pagpapakawala ng mga flare na "mapanganib at hindi kinakailangan," at idinagdag na sumusunod ang eroplano sa pandaigdigang batas.

Sa misyon ding iyon, naitala ng mga awtoridad ang malawak na aktibidad ng Tsina sa paligid ng Subi Reef, kabilang ang isang hospital ship ng Tsina, dalawang barko ng Coast Guard ng Tsina, at 29 barko ng maritime militia ng Tsina na nakadaong malapit sa bahura. Bahagi ng Spratly Islands ang Subi Reef kung saan nakapagtayo ang Tsina ng malalaking artipisyal na isla sa nakalipas na dekada.

Naobserbahan din sa pagpapatrolya noong Disyembre 6 ang mga barko mula sa ibang bansa sa rehiyon, kabilang ang mga barkong pang-survey at pangisda ng Vietnam, habang naitala ang malaking pagtitipon ng maritime militia ng Tsina sa ilang pinag-aagawang lugar.

Nakita ng patrol ng Pilipinas ang isang barko ng PLAN malapit sa Sabina Shoal. Nagpadala ito ng maraming babala sa radyo sa eroplano ng Pilipinas, kahit na ito ay lumilipad sa mga lugar na inaangkin ng Maynila.

Ang mga flight ng pagsubaybay ay regular na transparency mission na isinasagawa alinsunod sa batas ng Pilipinas, sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawak na pag-aangkin sa karagatan, ayon kay Tarriela. "Lahat ay ligtas at matagumpay ang misyon," sabi pa niya, ayon sa sa Inquirer.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link