Ayon kay Chelsea Robin |
Ipinakita ng mga hukbong militar ng US ang makabagong kakayahang pandagat, matinding tibay at pandaigdigang saklaw sa pamamagitan ng pagharang noong nakaraang buwan sa tatlong tanker na nagdadala ng iligal na langis mula sa Dagat Caribbean hanggang Indian Ocean, ayon sa mga opisyal.
Sa pinakahuling insidente, nasamsam ng puwersang militar ng US ang tanker na Bertha, isang Very Large Crude Carrier na nasa ilalim ng mga sanksiyon ng US dahil sa iligal na pagdadala ng langis mula Iran at Venezuela.
Ang pagkakasamsam ang ika-10 na pagharang sa tanker sa buong mundo mula noong nakaraang Disyembre at maaaring "magpahiwatig ng mas mahigpit na pagbabantay sa mga barkong nagdadala ng krudo mula sa mga bansang pinatawan ng sanksiyon," iniulat ng S&P Global noong Pebrero 24.
Ayon sa mga ulat ng balita, naganap na rin ang mga katulad na operasyon sa Caribbean at North Atlantic.
![Nahuli at hinarang ng puwersang militar ng US ang pinatawan ng sanksiyon na oil tanker na Bertha noong Pebrero 24, matapos itong subaybayan mula sa Caribbean hanggang sa Indian Ocean. [Department of War/X]](/gc9/images/2026/03/13/54979-bertha_1-370_237.webp)
![Naghahanda ang mga puwersang militar ng US na sumakay sa isang helicopter na sumusuporta sa operasyong pandagat laban sa tanker ng krudo na pinatawan ng sanksiyon na Veronica III sa Indo-Pacific noong Pebrero 15, matapos lumisan ang barko mula Venezuela noong unang bahagi ng Enero. [US Department of War/X]](/gc9/images/2026/03/13/54981-veronica_iii-370_237.webp)
Pandaigdigang pagsubaybay
Umalis ang Bertha mula Venezuela noong unang bahagi ng Enero dala ang 1.9 milyong bariles ng Merey heavy crude, ayon sa mga ulat sa pagpapadala mula sa pag-aari ng estado na kumpanya ng langis at gas ng Venezuela na PDVSA.
Ayon sa isang post sa social media noong Pebrero 24 ng Department of War ng US, nilabag ng naturang barko ang ipinatutupad na "quarantine" ng Washington sa Caribbean para sa mga tanker na pinatawan ng sanksiyon. "Mula Caribbean hanggang Indian Ocean, sinubaybayan namin ito at hinarang," dagdag pa ng kagawaran.
Sinabi ng Department of War na nagsagawa ang hukbong militar ng US ng "right-of-visit," pagharang sa dagat, at pagsakop sa Bertha nang walang insidente sa saklaw ng responsibilidad ng US Indo-Pacific Command (INDOPACOM), matapos tangkaing iwasan ng barko ang pagpapatupad ng batas.
Ang Bertha ang ikatlong iligal na tanker ng langis na nasamsam noong nakaraang buwan sa Indian Ocean, sinabi ng Pentagon sa isang post sa social media, at idinagdag, “Tatlong barko ang tumakas at ngayon ay nahuli na ang lahat."
Hinarang ng hukbo ng INDOPACOM ang Aquila II noong Pebrero 9, na sinundan ng Veronica III noong Pebrero 15. Ang parehong barko ay napailalim sa mga sanksiyon na ipinataw ng US Treasury Department.
Sinubaybayan ng hukbong militar ng US ang Aquila II ng mahigit 30 araw habang tumatawid ito sa Caribbean Sea, Atlantic Ocean at sa mga tubig sa paligid ng Cape of Good Hope bago ito pumasok sa saklaw ng operasyon ng INDOPACOM, ayon sa Reuters. Sinundan ng Veronica III at Bertha ang katulad na mga malalayong ruta matapos umalis ng Venezuela noong unang bahagi ng Enero.
Saklaw ng operasyon
Ipinapakita ng mga operasyon ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng iba't ibang sangay ng militar ng US habang kumikilos ang mga barko mula Caribbean papunta sa saklaw ng operasyon ng INDOPACOM.
Ipinakita ng mga pagharang ang kakayahang lumampas sa tradisyunal na mga patrolya sa karagatan. "Walang ibang bansa ang may pandaigdigang abot, tibay, o kagustuhang ipatupad ang mga sangsiyon sa ganitong layo," ayon sa post ng Department of War sa social media. Sinubaybayan nang sabay-sabay ng mga puwersa ng US ang maraming barkong na may sanksiyon sa loob ng ilang linggo habang nagdadala ng iligal na krudo sa pandaigdigang karagatan at sinusubukang iwasan ang pagkakatuklas.
Madalas na sinusubukan ng mga tanker na sangkot sa pag-iwas sa mga sangksiyon na itago ang kanilang galaw sa pamamagitan ng pagpatay ng mga Automatic Identification System transponders, pagbabago ng mga pagkakakilanlan, pagpapalit ng mga rehistro o paggamit ng ship-to-ship transfers upang itago ang pinagmulan ng kargamento.
Upang labanan ang mga taktikang iyon, umasa ang mga hukbong militar ng US sa mga intelligence network, satellite monitoring at mga eroplano sa pagpatrolya sa karagatan na kayang mapanatili ang visual at radar na kontak sa mga barkong nag-ooperate nang “dark” sa malalayong distansya.
Upang masubaybayan ang mga barko, ipinakita ng hukbong militar ng US ang kakayahan sa multi-domain targeting at intelligence. Gumamit sila ng P-8A Poseidon, isang long-range antisubmarine at pandagat na surveillance aircraft, upang mapanatili ang kontact at vector sa mga boarding team kapag pumasok na ang mga barko sa saklaw ng responsibilidad ng INDOPACOM.
Biglaang pagbagsak ng modelo ng 'dark fleet'
Tila ang pagbabagong ito ay dahil sa na-update na balangkas ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng pamahalaan ng US sa Venezuela. Matapos ang pagpapatalsik sa makapangyarihang si Nicolás Maduro noong Enero, pinaluwag ng Washington ang mga restriksyon sa pagpapadala ng langis mula sa Venezuela. Ang pagbabago ng patakaran ay nagbawas ng insentibo sa paggamit ng mga ilegal na tanker.
Kasabay ng kampanya ng Washington sa pagpapatupad ng batas sa karagatan, epektibong napigilan ng bagong patakaran ang yugto ng paghahatid sa iligal na supply chain. Bagama’t sinubukang umalis ng mga barko tulad ng Bertha noong unang bahagi ng Enero, iniulat ng Windward na ang modelo ng "dark fleet" ay "biglang bumagsak," at binanggit na "wala ni isang dark fleet tanker ang matagumpay na nakapaghatid" ng kargamento sa huling destinasyon mula pa noong kalagitnaan ng Disyembre.
Suportado ng artificial intelligence (AI)-driven monitoring ang pagsisikap na ito. Ayon sa Windward, na nagbibigay ng AI-powered maritime intelligence sa Department of War at iba pang ahensya, humigit-kumulang 100 tanker ang nakapagpadala ng krudo ng Venezuela bago ang kalagitnaan ng Disyembre 2025, kung saan mga 40% ang nasa ilalim ng mga sanksiyon, subalit ang matinding pagpapatupad ng batas ay lubos na nakagambala sa kalakalan.
Pagpapatupad kasama ang mga katuwang
Kasabay ng pagpupursige ng US ang lumalaking kooperasyon sa rehiyon. Iniulat ng Reuters noong Pebrero 17 na ang India ay nakasamsam ng tatlong US-sanctioned tankers na konektado sa Iran at pinalakas ang pagbabantay sa karagatan upang pigilan ang ipinagbabawal na kalakalan.
Nagdeploy ang Indian Coast Guard ng humigit-kumulang 55 barko at hindi bababa sa 10 eroplano upang mapanatili ang tuloy-tuloy na pagbabantay sa kanilang mga maritime zone at maiwasang magamit ang karagatan ng India para sa ship-to-ship transfers na nagtatago sa pinagmulan ng kargamento.
"Ang pandaigdigang karagatan ay hindi kanlungan para sa mga pinatawan ng sangksiyon," sabi ng Pentagon sa social media. "Sa lupa, himpapawid, o dagat, hahanapin kayo ng aming puwersa at ihahatid ang hustisya."
![Hinarang ng puwersang militar ng US ang tanker na pinatawan ng sanksiyon na Bertha sa Indo-Pacific noong Pebrero 24, matapos ang malayuang pagtugis na sumaklaw sa maraming karagatan. [US Department of War/X]](/gc9/images/2026/03/13/54980-bertha_2-370_237.webp)