Diplomasya

Nabigong no-confidence vote sa Solomon Islands, nagbunga ng mga pangamba ukol sa impluwensiya ng China

Dahil sa malapit na ugnayan ng Solomon Islands at China, ang botohan ay naging tunggalian sa pagitan ng mga grupong pro at anti-China.

Nakipagpulong ang pangulo ng China na si Xi Jinping kay Prime Minister Jeremiah Manele ng Solomon Islands nang bumisita ito sa Beijing noong Hulyo 12. [Liu Bin/Xinhua via AFP]
Nakipagpulong ang pangulo ng China na si Xi Jinping kay Prime Minister Jeremiah Manele ng Solomon Islands nang bumisita ito sa Beijing noong Hulyo 12. [Liu Bin/Xinhua via AFP]

Ayon kay Wu Chiaoxi |

Ang nabigong no-confidence motion laban kay Prime Minister Jeremiah Manele ng Solomon Islands ay ang pinakahuling indikasyon ng pakikialam ng China sa bansa, sabi ng mga tagapagmasid.

Itinakda ng parlyamento ang botohan nitong Mayo 6, ngunit umatras ang mga tagapagtaguyod nito sa huling sandali.

Si Manele ay itinuturing na isang moderate leader ng Australia at New Zealand. Umupo siya sa puwesto noong Abril 2024, kasunod ni Manasseh Sogavare, na kilala bilang matatag na tagasuporta ng China.

Nakakuha ang mosyon ng suporta mula sa 10 tumiwalag na miyembro ng parlyamento, na nagbanta ng isang kaguluhang pampulitika.

Nagdaos ng pinagsamang news conference sina Prime Minister Jeremiah Manele (nasa kaliwa) ng Solomon Islands at Prime Minister Anthony Albanese ng Australia sa Canberra noong Hunyo 26. [David Gray/AFP]
Nagdaos ng pinagsamang news conference sina Prime Minister Jeremiah Manele (nasa kaliwa) ng Solomon Islands at Prime Minister Anthony Albanese ng Australia sa Canberra noong Hunyo 26. [David Gray/AFP]

Dahil sa malapit na ugnayan ng Solomon Islands at China, ang botohan ay naging tunggalian sa pagitan ng mga grupong pro at anti-China.

Inilarawan ng mga mamamahayag ng Australia ang nabigong "no-confidence motion na itinutulak ng mga grupong pro-China" na magdadala ng ginhawa sa Australia.

Ayon sa ilang mga tagapagsuri, may mga salik sa likod ng motion na ito na maiuugnay sa China, isang paghahaka-haka na ito’y pakana ni Sogavare.

Bagama’t walang ebidensya na ang China ay nasa likod ng no-confidence motion, pabor sa Beijing ang posibleng pagtanggal kay Manele, sabi ni Mihai Sora, isang dating Australian diplomat at ngayo’y tagapagsuri sa Lowy Institute, isang pribadong think tank, sa Central News Agency ng Taiwan.

"Kung mapalitan si Manele ng isang gaya ni Sogavare na hinahadlangan ang pakikipag-ugnayan sa Australia, at sa halip ay mas tinatanggap ang tulong ng China, ito’y mas naaayon sa mga interes ng China," sabi ni Sora.

Geopolitical flashpoint

Mula sa pagiging estratehikong karatig-bansa ng Australia at New Zealand, ang Solomon Islands ay naging isa nang geopolitical flashpoint sa gitna ng tumitinding kompetisyon sa rehiyon.

"Nitong nakaraang limang taon, napakaraming mga kaganapan na kinasasangkutan ng China. Ito’y talagang nakababahala," sabi ni Daniel Suidani, isang pinuno ng oposisyon at dating premier ng probinsya ng Malaita, sa AFP noong Abril 2024.

Sa ilalim ni Suidani, inilabas ng probinsya ng Malaita noong 2019 ang "Auki Communiqué," isang dokumentong nagpapaliwanag kung bakit nito hindi pinahintulutan ang pagtakbo ng mga negosyong may kaugnayan sa Chinese Communist Party sa kanilang probinsya, at sinikap na labanan ang impluwensya ng China.

Noong 2019, inilipat ng Solomon Islands ang diplomatikong pagkilala ng Taiwan sa China, na nagpalawak ng impluwensya ng China sa South Pacific.

Ang mga patakarang pro-China na ipinatupad ng pamahalaan noong 2021 ay naging sanhi ng mga kaguluhan sa kabiserang siyudad ng Honiara.

Bilang bahagi ng 2017 Australian-Solomon Islands security treaty, mabilis na nagtalaga ang Australia ng mga puwersa at binuo ang Solomon Islands International Assistance Force kasama ang New Zealand at dalawa pang ibang bansa. Nanatili pa rin ang puwersang ito sa nasabing lugar.

Noong 2022, pumirma si Sogavare ng isang kasunduang pangseguridad kasama ang China, kung saan pinahihintulutan ang mga Chinese police advisor na pumasok sa bansa, na ikinabahala naman ng Australia at New Zealand.

Sa ilalim ng pamumuno ni Manele, bumuti ang ugnayan ng kanilang bansa sa Australia at New Zealand. Noong huling bahagi ng 2024, pumirma ang mga opisyal ng Solomon Islands ng bagong kasunduang pangseguridad kasama ang Australia kung saan ipinangako ang $190 million AUD ($122 million) upang mapalakas ang sistema ng pulisya ng Solomon Islands. Kabilang rito ang pagtatayo ng isang police training center na naglalayong bawasan ang pagdedepende nila sa tulong mula sa ibang bansa.

Nagbigay ang Australia ng tatlong aluminum long boat sa Royal Solomon Islands Police Force noong Pebrero, upang mapalakas ang kakayahan ng pulisya.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *