Karapatang Pantao

China pinilit ang Thai gallery na sensurahin ang sining; curator tumakas papuntang UK

Biniktima ng mga censor ang isang eksibisyon ng sining sa Bangkok matapos ang panggigipit ng embahada ng China, na pinilit na tanggalin at baguhin ang mga gawa ng mga artistang destiyero.

Isa sa mga gawa ni Sai ay ipinapakita sa Constellation of Complicity: Visualizing the Global Machinery of Authoritarian Solidarity, isang eksibisyon sa Bangkok na binago dahil sa panggigipit ng China. [Art News Network/Facebook]
Isa sa mga gawa ni Sai ay ipinapakita sa Constellation of Complicity: Visualizing the Global Machinery of Authoritarian Solidarity, isang eksibisyon sa Bangkok na binago dahil sa panggigipit ng China. [Art News Network/Facebook]

Ayon kay Chen Meihua |

Ang Chinese censorship ay umaabot na maging sa mga alagad ng sining sa Thailand ngayon.

Ang Bangkok Art and Culture Center (BACC) ay kamakailan lamang napailalim sa panggigipit ng Beijing upang ipasensura ang eksibisyon, na nagresulta sa pagtanggal at pagbabago ng mga gawa ng mga alagad ng sining na nasa pagkatapon sa ibang bansa. Isa sa mga tagapangasiwa ng pagtatanghal ay tumakas patungong United Kingdom.

Ang "Constellation of Complicity: Visualizing the Global Machinery of Authoritarian Solidarity," (“Konstelasyon ng Pakikipagsabwatan: Paglalarawan sa Pandaigdigang Makinarya ng Pagkakaisa ng mga Awtoritarya”) na tumatakbo mula Hulyo 24 hanggang Oktubre 19, ay naglalayong hamunin ang awtoritaryanismo. Ngunit matapos ang panghihimasok ng embahada ng China, tinanggal ang mga ipinagbawal na likhang sining, at ang mga kaugnay nito na itinuturing na "sensitibo" ng Beijing.

Binura ng tanghalan ang mga tumutukoy sa Hong Kong, Tibetat ang karamihang Muslim na Uyghur na minorya sa China, pati na rin ang mga pangalan ng mga artista, iniulat ng Reuters. Tinawag ng mga artista ang kampanya na pinakabagong tangka ng Beijing na supilin ang mga kritiko sa ibang bansa.

Isang instalasyong sining ni Tenzin Mingyur Paldron ng Tibet ang ipinapakita sa Bangkok Art and Culture Center. [theeditions.art/Instagram]
Isang instalasyong sining ni Tenzin Mingyur Paldron ng Tibet ang ipinapakita sa Bangkok Art and Culture Center. [theeditions.art/Instagram]

Artistang Burmese, asawa tumakas papuntang UK

Tatlong araw matapos ang Hulyo 24 na pagbubukas, ang mga diplomat ng China, kasama ang mga awtoridad ng Bangkok ay pumasok sa tanghalan at nagpumilit na ipasara ito, ayon sa Burmese artist and exhibit co-curator na si Sai. Pinahintulutan lang ang pagpapatuloy ng pagtatanghal matapos tanggalin ang mga kinokondenang likhang sining.

Hindi nagtagal, tumakas si Sai at ang kanyang asawa papuntang United Kingdom. Iniulat ng BBC na kinukuha ng Thai police ang kanilang personal na impormasyon, kung kaya’t nagmamadali silang umalis. Si Sai, na dati nang lumikas mula sa Burma matapos kalabanin ang rehimeng militar, ay nagsabing ngayo’y umaasa siyang makakukuha ng asylum sa Britain.

Sinabi ni Lord Alton, pinuno ng Joint Committee on Human Rights ng parliyamento ng UK, na ang kaso ay nagbibigay-diin sa lawak ng panggigipit ng China at nangakong susuportahan nila ang kahilingan ni Sai para sa asylum.

Ang Human Rights Foundation, na nakabase sa New York, ay kinondena ang insidente bilang bahagi ng "pinagtugmang pagsisikap upang supilin ang malikhaing pagpapahayag."

Itinampok sa eksibisyon ang mga likha ng mga artistang natapon mula sa Tibet, Hong Kong, Russia, Iran at Syria.

Sa isang email noong Hulyo 30 na nakita ng Reuters, binanggit ng gallery ang babala mula sa embahada ng China, ang Foreign Ministry at Bangkok Metropolitan Administration. Ayon sa mensahe, maaaring magdulot ng “tensiyong diplomatiko” ang palabas. Dagdag pa rito, “wala nang ibang pagpipilian kundi gumawa ng ilang pagbabago,” gaya ng pagtatakip sa mga pangalan ng mga alagad ng sining na mula Hong Kong, Tibet, at Uyghur.

Sinabi ng Foreign Ministry ng Thailand na ang eksibisyon ay “naglilihis sa polisiya ng China” at “pinipinsala ang mga pangunahing interes at dignidad na pampulitika ng China.” Inakusahan ng embahada ng China ang palabas na nagtataguyod ng kasarinlan ng Tibet, Uyghur, at Hong Kong.

Na-censor ang likhang Tibetan

Nakita ni Tibetan artist Tenzin Mingyur Paldron na marami sa kanyang mga ginawa ang inalis o binago, kabilang rito ang pagpipinta upang itago ang mga salitang "Dalai Lama."

Ang pagsensura ay nagpapakita ng pagtatangka ng China na “i-hiwalay ang mga Tibetan sa ibang bahagi ng mundo,” aniya, at idinagdag na hindi nito nais na ang papel nito sa "iba pang mga kolonyalismo at genocide ay kilalanin."

Ang mga museo ay dapat “para sa mga tao, hindi sa mga diktador ng anumang ideolohiya," sinabi niya.

Nang bumisita ang BBC noong kalagitnaan ng Agosto, nakita nitong tinakpan ng gallery ang mga pangalan ng ilang artista at ang mga pagtukoy sa Tibet, Hong Kong, at rehiyon ng Xinjiang ng China sa mga paglalarawan ng mga likhang sining.

Ang iba pang mga tinanggal na likha ay ang mga bandila ng Tibet at Uyghur, mga postcard na tampok si Pangulong Xi Jinping ng China at isang naglalarawan ng ugnayan sa pagitan ng China at Israel, sinabi ni Sai.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *