Diplomasya

Natagpuan ng Beijing ang sarili na binabatikos sa Shangri-La Dialogue

Mula Washington hanggang Paris, Canberra hanggang Berlin, nagpahayag ng alarma ang mga kalahok ukol sa lumalawak na kakayahang militar ng Tsina at tumitinding panggigipit nito sa Taiwan at Dagat Timog Tsina.

Nagbibigay ng talumpati si US Secretary of Defense Pete Hegseth sa Shangri-La Dialogue Summit sa Singapore noong Mayo 31. [Mohd Rasfan/AFP]
Nagbibigay ng talumpati si US Secretary of Defense Pete Hegseth sa Shangri-La Dialogue Summit sa Singapore noong Mayo 31. [Mohd Rasfan/AFP]

Ayon sa AFP at Focus |

Naging sentro ng usapan sa pangunahing pagpupulong sa seguridad ng Asya ang tumataas na kapangyarihang militar ng Tsina at ang agresibong postura sa Taiwan.

Sa tatlong araw na Shangri-La Dialogue, na nagtapos noong Hunyo 1 sa Singapore, hinarap ng mga kalihim ng depensa at mga pinuno ng mundo ang pagiging mapamilit ng Beijing sa Indo-Pacific.

Mula Washington hanggang Paris, Canberra hanggang Berlin, nagpahayag ng matinding pag-aalala ang mga kalahok sa lumalawak na kakayahang militar ng Tsina at tumitinding panggigipit nito sa Taiwan at Dagat Timog Tsina -- maaaring magdulot ng sigalot sa hinaharap ang mga flashpoint na babala nila.

Anim na taon mula nang ilunsad ang bisyon nito para sa isang "malaya at bukas na Indo-Pacific," ginamit ng Estados Unidos ang security summit ngayong taon sa Singapore upang ibalangkas ang isang mas mapamilit na estratehiya sa ilalim ng ikalawang termino ng administrasyong Trump.

Dumalo si Rear Adm. Hu Gangfeng (C), bise presidente ng National Defense University ng Chinese People's Liberation Army, sa Shangri-La Dialogue Summit sa Singapore noong Mayo 31. [Mohd Rasfan/AFP]
Dumalo si Rear Adm. Hu Gangfeng (C), bise presidente ng National Defense University ng Chinese People's Liberation Army, sa Shangri-La Dialogue Summit sa Singapore noong Mayo 31. [Mohd Rasfan/AFP]
Hinihimok ng Presidente ng Pransiya na si Emmanuel Macron ang isang bagong alyansa ng Europe-Asia na labanan ang 'mga sona ng panggigipit' ng makakapangyarihang bansa, na tumutukoy sa Tsina at Russia, sa Shangri-La Dialogue sa Singapore noong Mayo 30. [Ludovic Marin/AFP]
Hinihimok ng Presidente ng Pransiya na si Emmanuel Macron ang isang bagong alyansa ng Europe-Asia na labanan ang 'mga sona ng panggigipit' ng makakapangyarihang bansa, na tumutukoy sa Tsina at Russia, sa Shangri-La Dialogue sa Singapore noong Mayo 30. [Ludovic Marin/AFP]

Sa isang pangunahing talumpati noong Mayo 31, nagbigay si US Secretary of Defense Pete Hegseth ng matinding babala tungkol sa posibleng armadong labanan sa Asya.

"Totoo ang banta ng Tsina at maaaring malapit na itong mangyari," deklara ni Hegseth. Sinabi niya na "kapani-paniwalang naghahanda sa potensyal na paggamit ng puwersang militar upang baguhin ang pagkabalanse ng kapangyarihan sa Indo-Pacific" ang Beijing, na inaakusahan ang militar ng Tsina ng aktibong pagbuo ng kakayahan para salakayin ang Taiwan at "pag-eensayo para sa tunay na sagupaan."

Habang binabalangkas ang pangrehiyon na pag-uugali ng Tsina bilang isang "wake-up call," inilista ni Hegseth ang mga cyberattacks, panliligalig sa mga kalapit na bansa, at "iligal na pag-agaw at pagsasamilitar ng mga lupain" sa Dagat Timog Tsina bilang mga aksyon ng Beijing na nagsasapanganib sa kapayapaan.

Hinimok ni Hegseth ang mga kaalyado sa Asya na pataasin ang paggasta sa pagtatanggol patungo sa 5% ng GDP, na nagbibigay-diin sa pangangailangang maghanda para sa posibleng malawakang sigalot sa rehiyon at mapalakas ang patas na paghahati ng pasanin.

"Dapat tumingin ang mga kaalyado sa Asya sa mga bansa sa Europa para sa isang bagong-tagpong halimbawa," aniya, na nanawagan para sa agarang mga hakbang upang i-upgrade ang mga kakayahan sa buong Indo-Pacific.

Muling pinagtibay ni Hegseth ang pangakong suporta ng Estados Unidos sa mga kaalyado sa rehiyon, na sinabing nananatiling “pangunahing entablado ng Amerika” ang Indo-Pacific at iginiit na “hindi kayang dominahin ng Tsina ang Estados Unidos — o ang ating mga kaalyado at katuwang.”

"Siyang pinaka-strident mula sa isang US defense secretary sa isang talumpati sa Shangri-La Dialogue ang mga pahayag ni Hegseth sa panggigipit ng Tsina laban sa Taiwan at sa mga nag-aangkin sa Dagat Timog Tsina," sinabi ni Bonnie Glaser, namamahalang direktor ng Indo-Pacific Program sa German Marshall Fund ng Estados Unidos.

Itinuring niya ang mga paglalarawang ito bilang nakabatay sa katotohanan at hindi bilang isang mapaghamon na pagpopostura, sinabi niya sa Wall Street Journal.

"Mga sona ng panggigipit"

Tinuligsa din ng mga opisyal at lider mula sa iba-ibang bansa ang agresyon ng Tsina.

Ginamit ng Presidente ng Pransiya na si Emmanuel Macron ang kanyang talumpati noong Mayo 30 sa diyalogo upang himukin ang Europa at Asya na magkaisa laban sa mapanggipit na maniobrang geopolitical, na malawakang binibigyang kahulugan bilang kritisismo sa Tsina at Russia.

"Mayroon tayong hamon mula sa mga rebisyunistang bansa na gustong magpataw -- sa ngalan ng mga sona ng impluwensiya -- mga sona ng panggigipit," sabi ni Macron. Hinimok niya ang mga pinuno na "bumuo ng isang positibong bagong alyansa sa pagitan ng Europa at Asya, batay sa ating mga karaniwang pamantayan, sa ating mga karaniwang prinsipyo."

Magtatakda ng isang mapanganib na alinsunuran para sa Taiwan at iba pang rehiyon ang pagpapahintulot sa mga pag-agaw ng teritoryo sa Ukraine nang walang kaparusahan, aniya.

"Paano mo ilalarawan ang maaaring mangyari sa Taiwan?" tanong niya. "Ano ang gagawin mo sa araw na may mangyari sa Pilipinas?"

Nakiisa ang Germany at Australia sa panawagan para sa rehiyonal na pagbabantay kaugnay ng pagpapalawak ng militar ng Tsina.

Sinabi ni Chief of Defense ng Germany na si Lt. Gen. Carsten Breuer sa Bloomberg na nakatuon ang Germany sa pagsuporta sa "kaayusang pandaigdigan na nakabatay sa mga panuntunan" at sa pangangalaga ng “kalayaan sa paglalayag” sa Indo-Pacific.

Binigyang-diin ng Defense Minister ng Australia na si Richard Marles na “ang nag-iisang pinakamalaking pagtaas sa kakayahang militar at build-up sa kumbensyonal na kahulugan ng anumang bansa mula noong matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nakita natin mula sa Tsina."

Nanawagan siya sa Beijing na mag-alok ng estratehikong transparency hinggil sa mga layunin nito.

Low profile

Pinuna ng Foreign Ministry ng Tsina ang talumpati ni Hegseth at sinabi nitong naghain ito ng “mga kapita-pitagang representasyon sa panig ng Estados Unidos.

Ngayong taon, kapansin-pansing naging low profile ang Tsina sa pulong.

Hindi dumalo si Defense Minister Dong Jun, at nakansela ang isang sesyon ng plenaryo sa "Mga Pakikisosyo sa Pandaigdigang Seguridad ng Tsina," ayon sa South China Morning Post na nakabase sa Hong Kong.

Kinondena ni Rear Adm. Hu Gangfeng, bise presidente ng National Defense University ng People's Liberation Army (PLA) at pinuno ng delegasyon ng Tsina, ang inilarawan niyang mga aksyon na naglalayong "maghasik ng gulo, lumikha ng paghahati, mag-udyok ng tunggalian, at magpahina sa katatagan ng Asia-Pacific."

Tumangging magdaos ng mga press briefing ang delegasyon at bihirang makipag-ugnayan sa ibang delegasyon sa lugar.

Habang tumitindi ang pagkabalisa sa rehiyon, nagpatuloy ang pagpopostura ng militar ng Tsina.

Noong Mayo, nag-deploy ang PLA ng dalawang aircraft carrier strike group at mahigit 70 naval at coast guard na mga barko sa Yellow Sea, East China Sea, Taiwan Strait, at Dagat Timog Tsina -- mga operasyong inilarawan bilang matinding taktika ng panggigipit na nagta-target sa Taiwan at mga kaalyado nito.

Habang nagsasalita si Hegseth sa pulong, sabayang inihayag ng militar ng Tsina ang "mga patrol sa kahandaang labanan" sa paligid ng pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *