Seguridad

Nagpapasiklab ng tensyon sa Tsinaa ang pinaplano ng Australia na bawiin ang Darwin Port

Sumasalamin sa mas malawak na estratehikong tug of war sa pagitan ng Australia at Tsina ang sigalot at binibigyang-diin ang tumitinding pangamba sa nagbabagong geopolitical dynamics.

Nagpapakita ang walang petsang larawang ito ng tanawin mula sa itaas ng Darwin Port. [Darwin Port]
Nagpapakita ang walang petsang larawang ito ng tanawin mula sa itaas ng Darwin Port. [Darwin Port]

Ayon kay Jarvis Lee |

Kinukonsidera ng gobyerno ng Australia na bawiin ang kontrol sa estratehikong mahalagang Darwin Port sa hilaga ng bansa, isang hakbang na nagdulot ng diplomatikong alitan sa Tsina.

Mula 2015, nasa ilalim ng pag-upang 99-taon na hawak ng kumpanyang Tsino na Landbridge Group ang daungan, isang kasunduang nananatiling kontrobersyal sa loob at labas ng bansa.

Ginawang malinaw ni Prime Minister ng Australia na si Anthony Albanese ang kanyang posisyon sa panahon ng kampanya para sa muling paghalal noong Abril, na nagsasabing "nasa kamay ng Australia" dapat ang daungan.

Kabilang sa mga posibleng ideya ang pagkakaroon ng Australian pension funds na bibili sa daungan mula sa Landbridge Group, aniya.

Nagpapakita ang walang petsang larawang ito sa Ambassador sa Tsina sa Australia na si Xiao Qian (kaliwa) na nag-iinspeksyon sa mga operasyon ng kumpanyang Tsino na Landbridge Group sa Darwin Port. [Embassy ng Tsina sa Canberra]
Nagpapakita ang walang petsang larawang ito sa Ambassador sa Tsina sa Australia na si Xiao Qian (kaliwa) na nag-iinspeksyon sa mga operasyon ng kumpanyang Tsino na Landbridge Group sa Darwin Port. [Embassy ng Tsina sa Canberra]

Nag-ugat sa mga alalahanin sa pambansang seguridad ang desisyon, aniya, na iginigiit muli ang pangako ng gobyerno sa pag-aalaga ng soberanya.

"Kapag umabot sa punto na kung saan kailangang direktang mamagitan ang Commonwealth, magiging handa kaming gawin iyon," aniya.

Nagbunsod ang mga pahayag ng matinding pagtutol mula sa Beijing.

“Nararapat na hikayatin ang ganitong negosyo at proyekto, hindi parusahan. Etikal na kaduda-duda ang pagpapaupa ng daungan noong ito’y hindi kumikita, at pagkatapos ay ihangad na bawiin ito kapag kumikita na," sinabi ng Ambassador ng Tsina sa Australia na si Xiao Qian sa isang pinagsamang panayam sa media noong huling bahagi ng Mayo.

Hinimok ni Xiao ang gobyerno ng Australia na igalang ang kasunduang pag-upa sa Landbridge Group.

Naglagak ng mahahalagang pamumuhunan sa Darwin Port ang Landbridge Group at malaki ang naiambag nito sa lokal na ekonomiya, ani Xiao, na idinagdag pa na magkakaroon ng masamang epekto sa kooperasyong pang-ekonomiya at pagtitiwala sa pagitan ng dalawang bansa ang pagbawi ng pag-upa sa daungan.

Isang estratehikong daungan

Nagtataglay ang Darwin Port ng estratehikong halaga dahil sa pagiging malapit nito sa mga pangunahing base militar ng Australia.

Matatagpuan sa hilagang Australia malapit sa Southeast Asia, mahalagang papel ang ginagampanan nito sa kooperasyong militar ng US-Australia. Bawat taon, nagsasagawa ang US Marine Corps ng anim na buwang pag-ikot sa kalapit na lugar, at namuhunan nang malaki kapwa bansa sa pagpapalawak ng hilagang imprastraktura ng militar upang palakasin ang mga kakayahang depensahan ang rehiyon.

Umani ng pansin mula sa gobyerno ng US noong panahong iyon ang kasunduan noong 2015 sa Landbridge, na nagbayad ng 506 milyong AUD ($329 milyon) para sa 99 na taong pag-upa. Nagpahayag ang Washington ng pagkabahala na maaaring makapagpalubha sa mga operasyong militar ng Amerika sa Asia-Pacific ang kontrol ng Tsino sa naturang kritikal na bahagi ng imprastraktura.

May malaking estratehikong interes ang Tsina sa Darwin Port, sinabi ni Prof. James R. Holmes ng US Naval War College sa BBC noong unang bahagi ng Hunyo. Itinuturing na mahalagang elemento ng depensang panrehiyon ang kalapitan nito sa first island chain (ang unang hanay ng pangunahing kapuluan sa Pasipiko mula sa mainland ng East Asia).

Maaaring magbigay-daan sa mga kaalyadong pwersa na harangan ang pag-access ng Tsina sa mga alternatibong rutang pandagat tungo sa mga karagatang Pasipiko at Indian ang lokasyon ng Darwin malapit sa silangang pasukan na Dagat Timog Tsina, partikular sa pamamagitan ng kipot ng Sunda at Lombok, aniya.

"Hindi lamang nililimitahan ang kakayahang makagalaw ng kapangyarihang pandagat ng Tsina ang pagharang sa mga tanikala ng isla at inaalisan ang Beijing ng mga opsyong militar, kundi nakakapinsala rin ito sa ekonomiya ng Tsina. Sumasalamin sa mga estratehikong kahinaan ng Tsina ang ating mga heograpikong bentahe, lakas ng militar, at matibay na alyansa," sabi ni Holmes.

Tumitinding tensyon

Sumasalamin ang hakbang ng Australia na repasuhin ang pag-upa ng Darwin at posibleng bawiin ang daungan sa lumalalang tension sa heopolitika at sa nagbabagong paninindigan ng Canberra sa estratehiyang panrehiyon. Habang lumalawak ang impluwensya ng Tsina sa Indo-Pacific, lumilitaw na muling sinusuri ng Australia ang estratehikong postura nito.

Nakikibahagi ang Australia sa mas malawak na muling pag-calibrate, isinulat ng tagapayong pulitikal na si Angelos Kaskanis sa Brussels Morning noong Mayo 31.

“Muling inaayos ng Australia ang estratehikong postura nito — hindi bilang hakbang na tugon sa mga ambisyon ng ibang kapangyarihan, kundi bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap na protektahan nito ang pang-ekonomiyang soberanya at imprastrakturang pangdepensa,” isinulat ni Kaskanis.

"Habang tumataas ang heopolitikal na tensyon at mas mahigpit na iginigiit ng mga middle power ang kanilang sarili, may malinaw na pagpipilian ang Australia: ipagpatuloy ang reaktibong larong pansuporta, o maging pangunahing aktor na humuhubog sa kinabukasan ng Indo-Pacific," aniya.

Upang isulong ang huli, aniya, kakailanganin ng Australia na magtaguyod ng isang mas mapanindigang patakarang panlabas, maglunsad ng mas matatag na mga inisyatiba sa rehiyon at mamuhunan sa mga paraang sumasalamin sa papel nito bilang soberanong kapangyarihan sa halip na tapat na kaalyado lamang.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *