Karapatang Pantao

Bilang pagsuway sa China, ginunita ng mundo ang anibersaryo ng masaker sa Tiananmen Square

Ang Beijing ay matagal nang sinisikap na burahin ang anumang pampublikong pagbanggit sa pagpatay, kung saan tinatanggal ng mga censor ang lahat ng online na sanggunian at binabalaan ang dayuhang media na huwag i-cover ang anibersaryo.

Ang mga kandila ay nagbigay liwanag sa US consulate sa Hong Kong noong Hunyo 4, habang ginugunita ng lungsod ang Tiananmen Square massacre noong 1989. “Hindi kailanman malilimutan ng mundo,” ang pahayag ni US Secretary of State Marco Rubio, sa gitna ng pagbabawal sa mga pampublikong paggunita sa Hong Kong na isinagawa sa lihim na paraan. [Peter Parks/AFP]

Isang cherry picker ang inilagay upang harangan ang tanawin ng imahe ng isang nakasinding kandila sa screen ng embahada ng Canada sa Beijing noong Hunyo 4. [Greg Baker/AFP]

Isang cherry picker ang inilagay upang harangan ang tanawin ng imahe ng isang nakasinding kandila sa screen ng embahada ng Canada sa Beijing noong Hunyo 4. [Greg Baker/AFP]

Isang imahe ng nakasinding kandila, isang simbolo na karaniwang ginagamit bilang pagbibigay-pugay sa mga biktima ng Tiananmen, ang ipinakita sa isang screen sa embahada ng Canada sa Beijing noong Hunyo 4, bilang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng malagim na panunupil sa mga kilos-protesta para sa demokrasya sa Tiananmen Square. [Greg Baker/AFP]

Ang mga demonstrador ay nagsindi ng mga kandilang bumubuo ng mga numerong '8964' — sumasagisag sa Hunyo 4, 1989 — bilang paggunita sa malagim na panunupil sa Tiananmen sa Liberty Square ng Taipei noong Hunyo 4. [I-Hwa Cheng/AFP]

Isang lalaki ang naglagay ng kandila sa Liberty Square ng Taipei noong Hunyo 4 bilang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng Tiananmen Square massacre. [I-Hwa Cheng/AFP]

Isang lalaki ang naglagay ng kandila sa Liberty Square ng Taipei noong Hunyo 4 bilang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng Tiananmen Square massacre. [I-Hwa Cheng/AFP]

Nagpapatrolya ang mga pulis sa labas ng isang istasyon ng tren malapit sa Victoria Park sa Causeway Bay, Hong Kong, noong Hunyo 4 — dating lugar ng mga paggunita sa Tiananmen na ngayon ay ipinagbabawal na sa ilalim ng batas sa pambansang seguridad. [Peter Parks/AFP]

Kinuwestiyon ng pulisya ang isang babae na may hawak na puting bulaklak malapit sa Victoria Park noong Hunyo 4, sa gitna ng ipinagbabawal na paggunita sa Tiananmen sa Hong Kong. [Peter Parks/AFP]

Kinuwestiyon ng pulisya ang isang babae na may hawak na puting bulaklak malapit sa Victoria Park noong Hunyo 4, sa gitna ng ipinagbabawal na paggunita sa Tiananmen sa Hong Kong. [Peter Parks/AFP]

Ikinulong ng mga pulis ang dating aktibistang si Lui Yuk-lin malapit sa Victoria Park sa Hong Kong noong Hunyo 4, kasabay ng paggunita sa ika-36 anibersaryo ng Tiananmen massacre. Hinuli si Lui sa isang istasyon ng subway sa Causeway Bay at isinakay sa isang police van. [Peter Parks/AFP]

Isang lalaki ang naglagay ng bulaklak sa isang memorial sa Liberty Square ng Taipei noong Hunyo 4, bilang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng malagim na panunupil ng China sa mga nagpo-protestang pro-democracy noong 1989. [I-Hwa Cheng/AFP]

Ayon sa Focus at AFP |

Mula Taipei hanggang Washington, nagbigay-pugay ang mga lider at mamamayan sa mga biktima ng Tiananmen Square massacre 36 na taon na ang nakalipas, sa kabila ng pagsisikap ng China na burahin ang kasaysayan.

Noong Hunyo 4, 1989, sapilitang nilinis ng mga sundalo at tangke ng China ang Tiananmen Square mula sa mapayapang mga demonstrador na pinangunahan ng mga estudyante, na nanawagan para sa demokrasya, mga reporma laban sa korapsyon, at mas malawak na kalayaang pampulitika.

Ang eksaktong bilang ng mga nasawi hindi pa rin tiyak, ngunit tinatayang mula sa ilang daan hanggang mahigit 1,000 katao.

Sa China, nananatiling isang bawal na paksa ang madugong panunupil -- wala ito sa mga aklat-aralin at mahigpit na sinasala sa online platforms.

Mahigit 3,000 katao ang hindi natinag ng ulan sa Liberty Square ng Taipei noong Hunyo 4, bitbit ang mga bulaklak at kandila bilang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng malagim na panunupil sa Tiananmen. [I-Hwa Cheng/AFP]

Sa labas ng China, tinitiyak ng mga lider ng mundo at mga aktibista na ang katotohanan ay mananatiling buhay sa alaala.

"Ngayong araw ay ginugunita natin ang katapangan ng mga mamamayang Chinese na nasawi habang sinisikap nilang ipagtanggol ang kanilang mga pangunahing kalayaan, pati na rin ang mga patuloy na nakararanas ng pag-uusig habang hinahangad ang pananagutan at katarungan para sa mga pangyayari noong Hunyo 4, 1989," ayon sa pahayag ni US Secretary of State Marco Rubio.

"Ang mundo ay hindi kailanman malilimutan" ang nangyari noong Hunyo 4, kahit na "patuloy na sinusubukan ng Beijing na burahin ang mga katotohanan," sabi niya.

Inilarawan ng Beijing ang mga pahayag ni Rubio bilang isang "pag-atake" sa China. Sinabi ng Foreign Ministry na ito ay "naghain ng isang solemn protest."

Hindi na isinama ng Beijing ang mga reklamo nito tungkol kay Rubio sa website ng ministry at sa mga coverage ng state media. Pero, inilathala ito ng media sa Taiwan.

Matagal nang ipinataw ng mga pinunong komunista ng China ang katahimikan tungkol sa panunupil, kung saan tinatanggal ng mga censor ang lahat ng online na sanggunian, at binabalaan ang mga dayuhang media na huwag mag-ulat tungkol sa anibersaryo.

Nakita ng AFP ang mga pulis noong Hunyo 4 sa pasukan ng Wan'an Cemetery sa kanlurang Beijing, kung saan alam na inilibing ang mga biktima ng panunupil. Nagbantay rin ang mga opisyal sa ilang interseksyon na patungo sa Tiananmen Square sa Chang'an Avenue, isang malawak na daan na nasa ilalim ng mahigpit na seguridad sa buong taon.

Noong gabi ng Hunyo 4, isang hanay ng mga bus at isang cherry picker ang bahagyang humarang sa mga screen sa mga embahada ng Germany at Canada na nagpapakita ng mga imahe ng mga kandila -- isang simbolong karaniwang ginagamit bilang pagbibigay-pugay sa mga biktima ng Tiananmen.

Alaala, pagtutol, pagsesensor

Sa Taiwan — ang tanging lipunang nagsasalita ng Tsino kung saan malaya pa ring isinasagawa ang malakihang pampublikong paggunita sa Hunyo 4 — kapwa mga lider at mamamayan ang nakiisa sa pag-alala sa anibersaryo.

Tulad ni Rubio, nangako si Pangulong Lai Ching-te na panatilihin ang alaala ng mga biktima ng panunupil sa Tiananmen Square.

"Madalas pinipili ng mga awtoritaryang gobyerno ang manahimik at kalimutan ang kasaysayan; samantalang pinipili ng mga demokratikong lipunan na panatilihin ang katotohanan at huwag kalimutan ang mga nag-ambag para sa adhikain ng karapatang pantao at sa kanilang mga pangarap," pahayag ni Pangulong Lai Ching-te sa Facebook.

Hindi alintana ang ulan, maraming mga taga-Hong Kong na naninirahan sa Taipei ang nagdala ng mga payong at kandila bilang pag-alala.

Sa paggunita, itinampok ang awit ng alaala ng Tiananmen na "Flowers of Freedom," kung saan ang mga nakilahok ay umawit sa gitna ng ulan: "Gaano man kalakas ang buhos ng ulan, patuloy pa ring mamumukadkad ang kalayaan."

Sa Hong Kong, sa Victoria Park dating ginaganap ang pinakamalaking pampublikong paggunita sa Tiananmen sa buong mundo.

Pero simula nang ipatupad ang National Security Law noong 2020, ang mga taga-Hong Kong ay hindi na maaaring ipagdiwang ng hayagan ang Hunyo 4.

Si Chow Hang-tung, isang nakakulong na aktibistang taga-Hong Kong na dating tumutulong sa pag-oorganisa ng taunang paggunita na dinadaluhan ng libu-libong tao, ay nagsimula ng isang 36-oras na hunger strike noong Hunyo 4.

Sa isang social media post, sinabi ni Chow na ang kanyang hunger strike ay isang paraan upang “gunitain ang araw na ito at muling pagtibayin ang aming paninindigan.” Tinawag niya ang mga opisyal ng pambansang seguridad bilang “tunay na mga kriminal” at hinimok ang mga awtoridad na humingi ng paumanhin sa kanyang “maling” pagkakakulong.

"Ang kasaysayan ay nagsasabi sa atin na [ang paghingi ng tawad] ay malamang na tumagal ng napakahabang panahon --36 na taon nang naghihintay ang Tiananmen Mothers at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng paghingi ng tawad," sinabi niya.

Nagpatrolya ang mga pulis sa Victoria Park at sa paligid ng Causeway Bay noong gabi ng Hunyo 4, madalas nilang pinapahinto at inaalis ang mga mamamayan.

Ayon sa BBC, isang lalaki na nakasuot ng damit na may slogan na "Rehabilitation of the June 4th [Tiananmen Square crackdown]" ang inalis ng mga pulis sa park.

Ilang mga aktibistang pro-democracy ang nagsabi sa Reuters na ilang ulit silang tinawagan ng mga pulis ng pambansang seguridad nitong nakaraang linggo at sinundan sa publiko ng mga hindi kilalang indibidwal -- mga hakbang na kanilang itinuring bilang pananakot mula sa mga awtoridad.

Binubura ang kasaysayan gamit ang AI

Isinisiwalat ng mga na-leak na mga manual ng censorship mula sa mga kumpanyang teknolohikal ng China ang mas pinatinding pagsisikap ng Beijing na burahin ang masaker mula sa pangkalahatang alaala.

Ang mga platform tulad ng Douyin (ang Chinese version ng TikTok) ay tumatanggap ng mga utos na burahin ang anumang pagbanggit o larawan hinggil sa malagim na panunupil, kabilang na ang mga simbolikong nilalaman, ayon sa mga classified documents na nakuha ng Australian Broadcasting Corporation (ABC),.

Isang gabay noong 2022 ang nagbansag sa makasaysayang larawan na "Tank Man" bilang "subersibo" at nagbabala na ang mga visual na metapora tulad ng "isang saging at apat na mansanas na nasa linya" ay maaaring mag-trigger ng pagtuklas ng artificial intelligence (AI).

"Kahit na palitan mo ang imahe ng tank man ng mga saging at mansanas, natutunan na ng algorithm ang pattern," ayon kay Dr. Lennon Chang, isang iskolar ng cyber risk mula sa Deakin University sa Victoria, Australia, sa panayam ng ABC.

Pinapatakbo na ngayon ng AI ang real-time censorship gamit ang mga kasangkapan tulad ng computer vision at language processing. Ang nilalamang na-flag ng mga sistemang ito ay dumadaan sa maraming antas ng pagsusuri ng tao, kung saan kahit mga kandila at bulaklak ay ipinagbabawal dahil sa kanilang pagpapahiwatig ng paggunita.

"Hindi nito binabago ang katangian ng censorship, pero ginagawa itong mas malakas," sinabi ni Chang. "Kung magpapatuloy ang censorship at lalo pang pinapagana ng AI, maaaring hindi na malalaman ng mga susunod na henerasyon kung ano ang nangyari. Lumilikha ito ng pekeng mundo -- isang pekeng kasaysayan."

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito?

Policy Link

Captcha */Patunay na Hindi Robot *